Bangkay ng Commando, Nakahandusay sa Kalsada

NATAGPUAN ANG bangkay ng hindi pa kilalang lalaki na may tattoo na ‘Tiktik Commando’ na nakahandusay sa kalsada sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 22 hanggang 25, naka-itim na T-shirt at short na maong habang may tattoo na ‘Tiktik Commando’ sa kanang pigi.

Sa ulat, ala-1:30 ng umaga nang ipaalam ng taxi driver na hindi na nakuha ang pangalan sa mga tanod na may nakahandusay sa madilim na bahagi ng Libis Reparo St., ng lungsod.

Nang tingnan ay patay na ang biktima at may tatlong tusok ng icepick sa dibdib.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng biktima.    (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.