Bangkay ng British, Natunton sa GPRS

DAHIL SA General Packet Radio Service (GPRS) ng cellphone, natagpuan ang bangkay ng isang British national sa basement ng isang mall sa Archbishop Street, Cebu City.

Kinilala ang biktima na si John Kristofer Hayes, 50, kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Talamban sa nasabing lungsod.

Ayon kay PO1 Victoriano Ayuman, desk officer ng homicide section ng Cebu City Police Office, hindi umano pumasok sa trabaho ang biktima kaya hinanap na ito ng kanyang mga katrabaho.

Gamit ang locator sa cellphone, natagpuan si Hayes ng kanyang mga kaopisina sa basement ng isang mall sa loob ng kanyang sasakyan na nakatagilid at hindi na humihinga.

Patuloy namang tinitiyak kung ano ang sanhi ng kamatayan ni Hayes at kung may foul play o natural death ang nangyari.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Bangkay ng British, Natunton sa GPRS

  1. Pingback: Bangkay ng British, Natunton sa GPRS - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.