Bangkay ng binatilyo, itinapon sa kalye

ISANG BANGKAY NG binatilyo ang natagpuan sa kalsada matapos itong itapon ng mga hindi pa kilalang salarin na hinihinalang biktima ng ‘hazing’ ng isang gang war kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Natagpuang may apat na tama ng saksak sa likurang bahagi ng katawan at mga pasa ang biktima na inilarawan lamang na nasa edad 13 hanggang 15, at nakasuot ng T-shirt at maong pants.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-1:45 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa kahabaan ng Phase 4, Package 4, Bagong Silang, Caloocan City.

Ayon kay Joy Yton, 22, residente ng naturang lugar, may narinig itong parang may bumagsak sa kanilang harapan. Ilang minuto ang makalipas ay lumabas ng kanilang bahay upang alamin ang kanyang narinig.

Dito, tumambad sa kanyang harapan ang duguang bangkay ng biktima na nakahiga sa kalsada, dahilan upang humingi ito ng tulong sa kanilang kapitbahay at ipagbigay-alam ang nasabing insidente.

At nang respondehan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) – Northern Police District Office, nadiskubreng may apat na tama ng saksak sa likod ang biktima.

Nagsasagawa na rin ng follow-up operation ang pulisya, para sa pagkakakilanlan sa mga suspek at alamin ang tunay na motibo sa pagpatay sa biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.