Bangkay ng bebot sa kotse

BUTAS ANG sentido ng isang babae matapos matuklasan ang bangkay nito sa loob mismo ng sasakyan nito na nakaparada sa Lapu-Lapu City, Cebu

Dalawang anggulo ang sinusuri ng awtoridad, una ay kung may foul play ba sa pagkamatay ng babaeng hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan; at pangalawa ay kung siya mismo ang nagbaril sa sarili nito sa loob mismo ng kotse nito.

Bago ang pagkatuklas sa bangkay ng biktima, ayon sa mga residente ay namataan nila ang sasakyan ng babae na pumarada sa kanilang lugar dakong alas-2:00 ng madaling-araw kamakalawa, kung saan malakas umano ang tugtugin na nagmumula sa stereo nito kung kaya’t wala silang narinig na putok ng baril.

Subalit ala-6:00 ng umaga nang hindi na sila makatiis at sinilip nila ang loob ng sasakyan nito at doon na tumambad sa kanila ang duguang bangkay ng biktima na may tama ng baril sa ulo nito.

(SIGRID C.)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.