Bangkay ng Bebot, Natagpuan sa Banyo ng hotel

ISANG BANGKAY ng babae ang natagpuan sa loob ng banyo sa Sta. Mesa Hotel sa Maynila.

Hindi pa rin nakikilala ang biktima na nakasuot ng pulang T-shirt at asul na shorts na may taas na 4’11”. May pasa ito sa mukha at katawan, habang basag din ang bungo nito.

Sinabi ni SPO2 Ronald Gallo ng Manila Police District (MPD) Homicide Division na nahihirapan sila sa pagsisiyasat  dahil ayaw makipagtulungan ng hotel.

Hinala naman ng pulis, binugbog muna ang babae bago kinaladkad at iniumpog ang ulo sa pader.

Hindi naman matukoy kung ano ang pagkakakilanlan ng lalakeng kasama ng biktima dahil hindi nakalista sa rekord ng hotel ang pangalan ng mga nag-check in.

Samantala, nanawagan ang MPD sa sinumang nakakakilala sa biktima na magsadya sa kanilang tanggapan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.