Bangkay ng Bebot, Nagpalutang-lutang sa Baybaying-Dagat

 

PALUTANG-LUTANG SA baybaying-dagat nang matagpuan ang bangkay ng hindi pa kilalang bebot na hinihinalang sinalvage sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Inilarawan lang ang biktima na nasa edad 20 hanggang 25, nakasuot ng light cream na sleeveless at maong pants.

Base sa ulat, alas-10:20 ng gabi nang makitang palutang-lutang sa baybaying-dagat sa Davila St., Navotas West ang biktima ng ilang residente.

Inahon ang biktima at itinawag sa mga pulis kung saan nang respondehan ay nakitaan ng tama ng bala sa likod ang bebot na dinala na sa Marcelo Funeral Homes.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.