Bangkay ng Bebot na Ibinalot sa Kumot, Narekober sa La Union

NATAGPUAN NG mga naglilibot na tanod ang isang bangkay ng hindi pa kilalang babae na nakabalot ng kumot sa tabi ng kalsada sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Masicong, San Fernando City, La Union.

Batay sa report na nakalap ng San Fernando City Police Station, nadiskubre umano ng mga barangay tanod ang bangkay nang makaamoy ang mga ito ng masangsang na amoy.

Ang katawan ng nasabing babae ay naaagnas na, nakasuot ng T-shirt at padyama, may taas na 5 feet at tinatayang may edad na 25 hanggang 35.

Sa ngayon ay nagpapatuloy sa kanilang pagsisiyasat ang mga awtoridad upang malaman ang pagkakakilanlan ng bangkay at ang nagtapon nito sa nasabing lugar. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.