Bangkay ng Beautician, Binalot sa Plastic Bag

INAALAM PA ng mga kinauukulan kung sino ang salarin sa likod ng pagpatay sa isang beautician sa loob ng isang lodge sa Camarines Norte.

Nabatid na May 9 nang matagpuan ang bangkay ni Elito Canlas y Artera, 46, sa isang silid sa 24/7 Cottages sa Purok 5, Barangay Alawihao, bayan ng Daet.

Mismong ang may-ari ng lodge na si Minda Royol ang nagsumbong sa mga awtoridad dahil napansin niya ang masangsang na amoy sa Room 9.

Sinubukan umano niyang buksan ang kuwarto subalit naka-lock ito at nakakadena.

Nang mabuksan ng mga kinauukulan, dito tumambad sa kanila ang bangkay ni Canlas na nakabalot sa itim na plastic bag at natatakpan ng kumot.

Sinabi naman ng mga cashier ng lodge na si Ronnie Royol, May 1 pa nang makita niyang pumasok sa kuwarto ang biktima kasama ang isang lalaki na nag-check-in para sa overnight stay.

Araw-araw rin uma-nong binabayaran ng lalaki ang silid tuwing alas-12:00 subalit pinakahuli ay noong May 8.

Sa ngayon, isinailalim na sa awtopsiya ang bangkay ng biktima at patuloy na inaalam ng PNP Daet ang pagkakilanlan ng salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.