Bangkay ng Babaeng Nakahubad, Lumutang sa Ilog

LUMUTANG SA ilog ang bangkay ng hindi pa kilalang babae na walang suot na pang-itaas sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Tinatayang nasa edad 30 hanggang 40 ang biktima na nakasuot ng blue-green na short.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon nang lumutang ang biktima sa ilog ng Pantihan 2, Flores ng lungsod ang biktima na naging dahilan upang ipaalam sa mga pulis.

Wala naman nakitang palantandaan na pinatay ang biktima na dinala na sa Nate Funeral Services.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.