Bangkay ng Babae, Natagpuan sa Compartment ng Kotse

ISANG BABAENG retiradong empleyado ang natagpuang patay sa loob ng isang kotse na pinaniniwalaang biktima ng summary execution sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima ay nakilalang si Marilou Jorge y Manapat, 49, may-asawa, retired employee, tubong Pangasinan at residente ng Block 10, Lot 7, Phse 4, North Matrix Ville, Camarin ng nabanggit na lungsod.

Base sa ulat ng Caloocan PNP, bandang alas-3 ng umaga nang matagpuan ang nasabing biktima sa loob ng nakaparadang kotse sa kahabaan ng North Matrix Ville.

Base sa pahayag sa pulisya ng isang nagngangalang Minda na naninirahan sa nasabing lugar, habang hinahanap niya ang kanyang anak na lalaki ay napansin niya ang isang babae na walang buhay sa loob ng isang abandonadong Honda Civic na may plakang LTC-103 na nakaparada sa naturang lugar.

Kaagad na ipinagbigay-alam ni Minda sa kanilang mga barangay officials ang kanyang nakita na kaagad namang ang nagresponde at napag-alaman ang nasabing bangkay ay may nakapulupot na masking tape sa mukha at nakatali ang magkabilang kamay.

Sa kasalukuyang ay nagsasagawa pa rin ng follow-up operation ang nasabing himpilan ng pulisya upang mabatid ang may kagagawan ng nasabing pagpatay at ang motibo nito.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.