Bangkay ng babae, lumutang sa dagat

LUMUTANG SA DAGAT ang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae sa Navotas iniulat kamakalawa.

Inilarawan lamang ang biktima na tinatayang nasa edad 40 na dinala na sa Calea Funeral Parlor.

Sa ulat, alas-8 ng umaga, ilang mangingisda ang nakakita sa bangkay na palutang-lutang sa dagat sakop ng San Jose ng lungsod.

Agad na hinila ang bangkay papunta sa pampang kung saan inaalam na ng mga pulis kung sino ang bangkay.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.