Bangkay ng 3 Nawawalang Estudyante sa Cavite, Lumutang sa Ilog

NATAGPUANG PALUTANG-LUTANG sa ilog sa Barangay Looc, Calamba City, Laguna ang labi ng tatlong estudyanteng apat na araw nang nawawala.

Sinabi ng Calamba Police na kinumpirma ng pamunuan ng Adventist University of the Philippines (AUP) na estudyante nila ang tatlong natagpuang bangkay.

Kinilala ni Rogelio Barit, assistant security supervisor ng AUP ang mga biktimang sina Kimberly Gardias, 19-anyos; Katherine Taroquin, 21-anyos at Jay Millapis, 22-anyos na nakatira sa AUP dormitory sa Silang, Cavite.

Nagtagpuan ng isang mangingisda ang bangkay nina Gardia at Taroquin na lumulutang sa baybayin ng San Cristobal River.

Habang sa pampang ng San Cristobal River naman natagpuan ang labi ni Millapis.

Sa ngayon, teorya ng mga awtoridad, nalunod ang tatlo at naanod ng tubig patungo sa Calamba matapos abutan ng malakas na ulan habang nagka-camping sa tabing-ilog sa likod ng unibersidad noong Linggo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.