Bangkay ng 2 GRO, Natagpuan sa Pagadian

DALAWANG BANGKAY ng babae na nagtatrabaho bilang mga guest relations officer (GRO) sa isang videoke bar sa lungsod ng Pagadian ang narekober ng mga kinauukulan sa may Purok Baybay Uno, Barangay Poloyagan sa lungsod.

Ayon sa bagong talagang hepe ng Pagadian City police station na si P/Supt. Alikhan Abas Yusop, na hanggang ngayon ay wala pa silang nakuhang impormasyon sa pagkakakilanlan sa mga biktima.

Sinabi ng opisyal na tinatayang nasa edad 18 hanggang 20 ang mga biktima na nakitaan ng mga tama ng bala sa ulo at sa iba pang parte ng katawan.

Base sa pagsisiyasat ng mga awtoridad na bandang alas-5:45 ng umaga nang makita ang labi ng mga biktima ilang oras matapos silang ilabas mula sa pinagtatrabahuhang videoke bar ng dalawang lalaking kostumer.

Paniwala ng mga kinauukulan na posibleng may hinihingi ang mga salarin na hindi naibigay ng mga biktima kaya humantong sa insidente.

Samantala, ayon sa opisyla na patuloy silang nangangalap ng mga impormasyon para makuha ang pagkakakilanlan ng dalawang salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.