Bangkay, Natagpuan sa Bangin sa Benguet

PATULOY ANG pag-iimbestiga ng pulisya, sa bangkay ng pinaghihina-laang biktima ng summary execution. Natagpuan ang katawan ng biktima na si Jeffrey Duag Velasco, 23 sa Ambuclao Road, Bekkel, La Trinidad, Benguet kahapon. Ang biktima ay tubong Cabugao, Apayao at residente ng Purok 1, Barangay Balsigan, Baguio City.

Sa tulong ng isang jogger na nakilalang si Herman Martin na nakakita ng nagkalat na dugo sa gilid ng kalsada, nakita ang bangkay sa isang bangin sa lalim ng pitong metro.

Ayon sa imbestigasyon ng  La Trinidad Municipal Police Station, may tama ng bala sa ulo at dalawa sa kanyang katawan ang biktima.

Noong nakaraan lamang, nakita rin ang dalawang bangkay ng lalaki na pinaghihinalaan ding biktima ng summary execution sa may Poyupoy, Marcos Highway. Patuloy pa ring iniimbestigahan ang nasabing kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.