Bangkay Natagpuan Dahil Sa Amoy

DAHIL SA PAG-ALINGASAW ng masangsang na amoy, nadiskubre ang bangkay ng isang lalaki sa loob ng bahay nito sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Naaagnas na nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Rogelio Aclan, 42-anyos ng North Ville, Brgy. Bignay ng nasabing lungsod na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin matukoy ang dahilan ng pagkakamatay.

Ayon sa nakalap na impormasyon sa Station Investigation Division (SID) ng Valenzuela City Police, dakong 8:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng bahay nito.

Sa naging salaysay ng mga kapitbahay ng biktima, nakaamoy ang mga ito ng masangsang na amoy na nanggagaling sa loob ng bahay ni Aclan dahilan upang katukin ang pinto nito.

Nang walang sumasagot ay tumawag ng mga barangay tanod ang mga ito hanggang napagpasyahang sapilitang buksan ang pintuan ng bahay hanggang sa tumambad sa mga ito ang patay na katawan ni Aclan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.