Bangkay na Itinapon sa Gate ng Subdivision, Kilala na

 

KILALA NA ang biktimang sinalvage bago itinapon sa entrance gate ng subdivision sa Malabon City kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Roy de Joseph, 27, ng Phase 2, Longos ng lungsod matapos kilalanin ng kapatid na si Jonathan.

Sa record, alas-6:30 ng umaga nang itapon ang bangkay ng biktima sa entrance gate ng Kingsborough Subd., sa Panghulo ng lungsod na may mga tama ng bala sa katawan at mukha.

Alas-2 ng hapon, nagpunta sa presinto si Jonathan dahil nawawala ang kapatid at nang samahan ng mga pulis sa Eusebio Funeral Homes at ipinakita ang bangkay ng biktima ay positibong kinilala ni Jonathan na ito ang nawawalang kapatid.

Nag-iimbestiga pa rin ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SPAICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.