Banggaan!

TRADISYON NA SA showbizlandia ang walang tigil na pagli-link sa dalawang artista kapag nagkakasama ang mga ito sa alinmang proyekto. Halimbawa, si female star ay nakasama si hunk male actor sa isang teleserye na kailangan ba talagang palabasin na may relasyon ang dalawang taartits para mag-klik at mag-rate ang programa? Nakakasawa na ‘yan sa totoo lang, pero wala tayong magagawa sa kalakaran sa industriya.

Sa ngayon, ang pilit na pinagbabangga ay sina Toni Gonzaga at Maja Salvador. Nali-link kasi itong si Maj sa boyfriend ni Toni na si Direk Paul Soriano na direktor ng indie film ng una na Thelma. Nilinaw naman ng magaling na TV host na walang ilangan between her and Maja at nagtsitsikahan pa sila ng young actress sa ASAP Rocks at never nilang napagkuwentuhan ang tungkol sa malisyosong issue.

May tiwala umano si Toni sa kanyang honey at para kay Maja eh, trabaho lang ang sa kanila ng guwapong direktor at hanggang doon lang. ‘Yun na!

Photos by Fernan Sucalit, Mark Atienza & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

5 thoughts on “Banggaan!

  1. Pingback: Banggaan! | Pinoy News

  2. For me… Hindi naman siguro flirt yang si Maja.. nagkataong sikat si Direk Paul kasi Gf niya si Toni kaya ayan nalilink… pero kung di kilalang director lang ang nagdirect sa movie ni Maja.. nakoo walng ganyang issue……

  3. naku naman ngayon pa magseselos si toni? dyusko matatag ang relasyon nila ni direk paul kaya huwag nang intrigahin. Si Maja naman eh matinong babae at maayos na nagtatrabaho sa showbiz

  4. Pingback: Banggaan! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.