Banggaan ng Motorsiklo at Truck; 3 Patay

TATLONG KATAO ang nasawi sa banggaan ng motorsiklo at truck sa Jordan, Guimaras.

Pawang wala ng buhay na nang duma-ting sa pagamutan ang mga biktima na kinilalang sina Reynaldo Gallego, 33, na siyang drayber ng motorsiklo at mga pasahero na sina Roden Gajo, 17, at Mark Anthony Toledo, 19, mga residente ng Ayangan, Sibunag, Guimaras.

Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, lumalabaas na mabilis ang takbo ng motorsiklo at nagtangka pang mag-overtake sa sinusundang delivery truck hanggang sa nabangga sa isa pang truck na kasalubong.

Samantala, kaagad namang sumuko sa mga pulis ang drayber ng truck kasunod ng insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.