Banggaan ng Motorsiklo at Tricycle; 1 patay, 1 kritikal

TODAS ANG 27-anyos na drayber ng motorsiklo nang mabasag ang bungo nito at grabe namang nasugatan ang backrider nito ng bumangga ang sinasakyan nila sa isang kasalubong na tricycle sa Taytay, Rizal.

Kinilala ang namatay na si Henry Lavares, at grabe namang nasugatan ang kasama nitong si Roland Ramos, 25, kapwa empleyado at nakatira sa Sitio Baybas, Brgy. Dolores, ng nabanggit na bayan.

Sa imbestigasyon ni P02 Jimmy Fonang, dakong alas-5:30 ng umaga nang mangyari ang aksidente sa L. Wood St., Brgy., Dolores makaraang mag-overtake ang biktima sa isang dyip at sumalpok sa kasalubong na tricycle.

Sa lakas ng impact, nayupi ang motorsiklo na may plakang ON-9197, kung saan tumilapon naman ang mga biktima na ikinabasag ng bungo ni Lavares at namatay habang nilalapatan ng lunas sa malapit na emergency hospital.

Papasok sa kanilang pabrika na pinapasukan ang mga biktima nang mangyari ang aksidente.

Mabilis namang tumakas ang drayber ng tricycle dala ang minamanehong sasakyan sa hindi pa batid na lugar na siya ngayong target ng awtoridad para arestuhin.

(ZUNATO TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.