Banggaan ng 2 Van: Paslit, Utas; 10, Grabe

DEAD ON the spot ang 10-anyos na batang babae habang sugatan naman ang sampu katao makaraang magsalpukan ang dalawang van sa national highway ng Barangay Llavac, Real, Quezon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Kimberly Insura, 10 anyos, residente sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, mabilis at pagewang-gewang ang takbo ng isang Isuzu Elf van na minamaneho ng isang Eric Martin, taga-Pasig City.

Papunta ng Real town proper si Martin kasama ang pahinante nito nang agawin ang kabilang lane ng highway kaya sumalpok sa isang Suzuki van na may plakang LNV 481 na minamaneho ni Arvin Chan.

Bukod kay Insura, sampu pa ang ginagamot sa Claro M. Recto Hospital sa Infanta habang malubhang nasugatan si Chan, tatlong pasahero niya at apat na iba pa.

Nagtamo rin ng minor injuries si Martin at ang pahinante nito habang isinugod ang mga biktima sa ospital.

Nasa kustodiya na ng Quezon Police si Martin.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.