Bangayan, ‘no show’ sa prelim probe

HINDI SUMIPOT ang kampo ng negosyanteng si Davidson Bangayan sa unang preliminary investigation ng Department of Justice sa kasong perjury na isinampa sa kanya ng Senate Committee on Food and Agriculture.

Base sa isinagawang pagdinig, inihayag ni Atty. Valentina Cruz, kinatawan ng Senado, na magsusumite sila ng reply affidavit sa susunod na pagdinig sa Marso 10, alas-10:00 ng umaga.

Ayon kay Prosecution Atty. Loverette Jeffrey Villordon, wala namang pahiwatig ang kampo ni Bangayan na magsusumite sila ng rejoinder.

Una nang pinanumpaan ni Bangayan ang kanyang counter affidavit kay Prosecution Attorney Villordon.

Maaalala na kinasuhan ng Senado si Bangayan dahil sa umano’y pagsisinungaling sa pagdinig kaugnay ng kanyang pagkakakilanlan o pagsasabing hindi siya si David Tan na itinuturong utak ng smuggling ng bigas sa Pilipinas.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.