Bangayan, konektado sa rice smuggling

NA-ESTABLISH NA ng Senado ang koneksyon ng negosyanteng si Davidson Bangayan sa mga organisasyon na dawit sa rice smuggling sa Pilipinas, sa kabila ng pagtanggi na siya ay si ‘David Tan’ bilang utak nito.

Sinabi ni Senate committee on agriculture and food chairperson Sen. Cynthia Villar na hindi na mahalaga para sa kanyang komite na matukoy kung sino si David Tan dahil ang taong pinaghihinalaan ng identity nito na si Bangayan ay positibo nang may ugnayan sa talamak na iligal na pag-angkat ng bigas.

Ayon sa mambabatas, modus ng grupo ni Davidson Bangayan ay gumamit at mag-finance ng ibang kooperatiba para mag-import ng bigas ngunit sa oras na mahuli ay iiwas sila sa kaso at sa halip ang madidiin ay ang organisasyon na minsan ang mga kasapi ay mga magsasaka.

Lumilitaw sa isinagawang Senate inquiry, todo-tanggi si Bangayan na siya ang nasabing utak ng rice smuggling na si David Tan kahit pa nakaharap nito ang dumidiin sa kanya na si Jesus Arranza na pangulo ng Federation of Philippine Industries na may dala-dalang mga ebidensya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.