Bangag, nag-amok; mag-ina, pinagtataga

HALOS MATANGGAL ang braso ng isang paslit na babae habang putol naman ang tatlong daliri ng ina nito matapos na pagtatagain ng kanilang kaanak na nagwala sa lalawigan ng Isabela kamakalawa ng hapon.

Base sa report na dumating sa Camp Crame, kinilala ang mag-ina na sina Josie Abarrientos, 32 anyos at anak na si Venus Abarrientos, 9 anyos, residente ng Brgy. San Manuel, Echague.

Habang ang suspek naman ay kinilalang si Arthur Abarrientos, 23-anyos, kapit-bahay lamang ng mga biktima.

Sa imbestigasyon ng PNP, bigla na lamang nagwala ang suspek na noo’y mag-isa sa kanilang bahay. Agad umano itong nagtungo sa kabilang bahay kung saan naman naroroon ang mag-inang biktima na agad pinagtataga ng suspek.

Agad namang naawat ng kanilang mga kaanak ang pagwawala ng suspek na noo’y hindi umano nagsasalita, sa halip ay nanlilisik lamang ang mga mata at halos lahat ng makita ay kanyang tinangkang tagain.

Inihayag naman ng ama ng suspek na kanila nang ipinagamot sa albularyo ang anak na nawawala sa sarili subalit pabalik-balik lamang umano ang sumpong nito.

Isinuko sa PNP ang suspek habang ang mag-ina naman ay kasalukuyang nagpapagamot sa Echague District Hospital.

Samantala, usap-usapan sa lugar na posibleng nagdroga ang suspek kaya nagkaroon ito ng sayad o diperensiya sa pag-iisip.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.