Bangag na Kelot, Nagtangkang Tumalon sa Condo

ISANG LALAKING hinihinalang bangag o lango sa droga ang nagtangkang tumalon mula sa ika-18 palapag ng isang condominium sa Mandaluyong City.

Sinabi ni Mandaluyong City Police Chief Senior Supt. Florendo Quibuyen na nangasiwa sa sitwasyon na nasa terrace ng unit 1811 ng Soho Central Private Residences Condominium ang hindi pa tukoy na lalaki, nakahawak sa railings at nagtangkang tumalon.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Department – Mandaluyong Special Rescue Unit at nakipagnegosasyon.

Inihayag ni Sr. Insp. Roberto Samillano, hepe ng operations ng Mandaluyong-BFP na nadala sa pakiusapan ang lalaki at nakumbinsi rin itong sumama.

Ngunit pagbaba sa ground floor ng condo, nagwala ang kelot at nagtangka pang tumakas bagama’t napigilan ito at pinosasan.

Hinihinalang lango sa ilegal na droga ang lalaki dahil may narekober na mga drug paraphernalia sa loob ng unit nito.

Samantala, kasong alarm and scandal ang isasampa sa nasabing lalaki.

Sa ngayon, pagbabawalan na ng pamunuan ng condominium ang lalaki na kapatid ng mismong tenant ng unit.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.