Bandido, arestado ng CIDG

NALAMBAT NG awtoridad ang isang hinihinalang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) at wanted din sa mga kasong kidnapping with serious illegal detention sa Zamboanga City.

Kinilala ang naaresto na may alyas na Bayaw at Abu Bandam sa may national highway ng Barangay Recodo, West Coast ng lungsod.

Base sa report, si Bayaw ay sangkot sa mga insidente ng kidnapping na nangyari sa ilang mga lugar sa rehiyon.

Inilabas ang warrant of arrest laban sa suspek mula sa Branch 2 ng 9th Judicial Region sa si8yudad ng Isabela sa probinsya ng Basilan.

Nasa kustodiya na nga-yon ng Criminal Investigation and Detective Mangement Group (CIDG-9) ang suspek dito sa siyudad.            (EC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.