Banat sa mga bading at Pasay, Sin City na naman

 

PINAGBABARIL NG “AIRSOFT gun” ang ilang bading o bakla sa Cebu City noong nakaraang linggo.

Ngunit, higit na nasaktan ang kanilang mga kauri, hindi sa tama ng pellets. Kundi sa pagmamaltrato sa kanilang mga ka-pederasyon sa tinatawag na third sex.

Kung sino man ang mga gumawa nito, tiyak na matindi ang kanilang galit sa bakla. Pero ang hindi alam ng mga demonyong salarin, higit pa sila sa bakla.

Dahil sa ang kanilang ginawa mismo na pagbalasubas sa mga nananahimik na bakla ay isang maliwanag na kabaklaan! At ang nasabing pang-aapi na isinagawa sa pamamagitan ng pagtatago ay isang tunay na kabaklaan!

Sa totoo lang, parekoy, gaya ng mga tunay na lalaki na marami rin ang balasubas, ganoon din ang pederasyon ng mga bakla. May ilang balasubas din, pero napakarami sa kanila ang matitino at mararangal.

Minsan nga, higit pa silang matino at mara-ngal kesa ilang tunay na lalaki!

Para sa atin, parekoy, kung sino ang may kasalanan, bakla man, tomboy, babae o lalaki ay siya lamang ang dapat managot. At walang karapatan ang sinuman na lahatin ang third sex!

Katunayan, higit na matapang at tapat ang mga nasa third sex. Dahil sa kabila ng hindi pantay na pagturing sa kanila ng ilang “epokrito at epokrita” sa ating lipunan ay buong katapangan nilang inilalabas ang kanilang tunay na damdamin!

Kaya nga masasabi kong… sila ang mga tunay na tao at hindi plastic!

Para sa mga animal na may kagagawan ng mga karuwagang pag-atake sa mga bakla, sinupin muna ninyong mga hinayupak kayo ang inyong pagkatao! Bago ninyo pakialaman ang mga bading!

 

LAGANAP NA NGA sa Pasay City ang iba’t ibang uri ng iligal. ‘Yan ang pagtatapat sa atin ng maraming opisyal ng barangay sa nasabing lungsod. Nangunguna umano sa iligal sa nasabing lugar ang iligal na sugal, putahan, droga at nakawan!

Idinagdag pa ng mga impormante na nagsimulang mamulaklak sa iligal ang Pasay City noong mawala si dating Chief of Police Col. Napoleon Cuaton.

Ito umano ang pangunahing dahilan kung bakit ginawan talaga ng paraan ni Mayor Antonio Calixto na masibak sa Pasay si Col. Cuaton.

Unang-una, dahil hindi nakakabuwelo ang bagman na si Mote Arceo. Kaya sa ngayon, maliwanag na natamong muli ng Pasay ang dati na nitong taguri na “sin city”.

Ang hinayupak na tagumpay na ito ng Pasay para muling tagurian na “sin city” ay dapat ipagpasalamat kay Col. Melchor Reyes. Ang kasalukuyang Chief of Police! P’we!

Ngayon ay nagpipiyesta na naman sina Aging Lisan, Carlo Taba at Boy Corquera! Lahat na umano ng uri ng sugal ay meron sila.

Dahil regular din ang collection ng mga tao na ipinangangalandakang collector sila ni Mote Arceo! Ang iniulat din na collector ni Mayor Antonio Calixto!

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.