Banat ni Sen.Trillanes, inalmahan ng mayor ng Pandi

 

PANDI, BULACAN – INALMAHAN ni Mayor Enrico Roque ng bayang ito ang naging pahayag ni Senador Antonio Trillanes lV, matapos itong dumalo sa paanyaya ni Vice Mayor Rachel Oca, kaugnay sa ginanap na People’s Council in Aid of Local Legislation sa Inang Fi-lipina Shrine sa Brgy. Real de Cacarong, kung saan walang dumalo ni isa mang opisyal ng pamahalaang panlalawigan at maging ng pamahalaang lokal sa nabanggit na bayan.

Ayon kay Mayor Roque, hindi katanggap-tanggap para sa mga residente ng Pandi ang mga pananalita ni Senador Trillanes na, “Ang balita ko ay inaapi ng alkalde n’yo at mga konsehal n’ya ang inyong vice mayor. Hayaan n’yo, susuportahan ko si Vice.”

Nabatid na dismayado ang senador nang dumating ito na kakaunti lamang ang tao na dumalo sa nabanggit na programa. Aniya, sa dami ng dinaluhan niyang engagement, ngayon lang nangyari na halos walang dumalo.

Sinabi ng punong-bayan na marahil, negatibo ang na-ging akusasyon ni Vice Mayor Oca laban sa kanya at mga konsehal na dahilan ng mga pangit na pananalita ng senador. Aniya, sana naman daw ay pinakinggan muna ng kanilang panauhin ang kanilang panig.

Aniya kung tutuusin, siya at ang Sangguniang Bayan ang may karapatang sumama ang loob at magalit sa bise alkalde, dahil sa unang araw pa lamang ng kanyang panunungkulan noong July 1, 2010, hinarang na umano ng vice mayor ang halos lahat ng resolusyon na kailangan para sa mga proyekto ng bayan, kung saan dumadaan umano sa butas ng karayom bago ito maaprubahan. Maging ang mga simpleng proyekto ay naantala rin partikular ang pagpapagawa ng eskuwelahan at pagamutan.

Sa ganitong sitwasyon aniya, hindi siya ang biktima, kung hindi ang kanilang mga kababayan na umaasa ng tuluy-tuloy na pagsulong ng ekonomiya upang umasenso.

Gayunman, hamon ng alkalde, sa halip na unahin ang pagsusumbong at pag-aakusa sa kapwa, tanungin muna ang mga sarili kung ano ba ang nagawa nila para sa kapakinabangan ng nakararaming mamamayan.

Dagdag pa ng opisyal hindi kailangan ng talino at husay sa pagsasalita ,pinakamabisa pa rin ang gawa at hindi puro salita bilang  halal ng bayan.  (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.