Banana Plantation, Sinalakay; 6 na Rebelde, Patay

ANIM NA miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi makaraang salakayin ng mga ito ang isang banana plantation sa bayan ng Mawab, Compostela Valley.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Eastern Mindanao Command (Eastmincom) spokesman Colonel Leopoldo Galon, naganap ang insidente dakong alas-3 ng hapon noong Lunes, kung saan sinalakay ang Sumifro Plantation, TG Manankor sa Sitio Malingawan, Barangay Tuburan, Mawab.

Pinangunahan umano ng isang alyas ‘Cycle’ ng Guerilla Front 33 at lulan ng Saddam truck at inatake ang plantation, subalit isa sa mga empleyado ay agad nakatawag sa awtoridad.

Dito nakaresponde ang pulisya at militar kaya naman sumiklab ang labanan hanggang sa masawi ang anim na rebelde.

Narekober sa mga posesyon ng mga napaslang ang dalawang M16 rifles, dalawang  M14 rifles at isang calibre 30 machine gun.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.