Bamboo Live: Talakayan Ukol sa Pagpoproseso at Gamit ng Kawayan

GINANAP SA punong tanggapan ng Forest Products Research and Development Institute ng Department of Science and Technology sa Los Baños, Laguna ang talakayan ukol sa pagpoproseso at gamit ng kawayan.

Kaakibat ng pagdiriwang ng National Science and Technology Week ng Los Baños Science community participation sa Expo Science 2013, ang nasabing sangay ay may mandatong pag-ibayuhin ang gamit ng produktong kagubatan.

Nakatutok sila sa mga kahoy ngunit nga-yon ay may partikular na emphasis sa kawayan, na isang damo, na lubhang napakaraming gamit sa pagkain, papel at materyal pang-konstruksyon.

Ang Laak (bamboosa philippinensis) ay isang uri ng kawayang ginagamit sa Mindanao at ibinibenta na maaaring maging source din naman ng kabuhayan para sa mga mamamayan.

Sa maraming mga bansa sa Asya, gamit na gamit na ang kawayan dahil sa halos 100% ang nagagamit dito. Maaari ring magamit bilang pa-ngontra sa soil erosion sa ating mga water tributaries para sa disaster mitigation.

(MJ Balaguer)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.