Bamboo, game makipagharutan kay Vice Ganda

IN FAIRNESS, marami ang nagulat sa pagiging matsika ni Bamboo nang humarap ito sa media at press recently sa presscon ng kanilang By Request concert sa Araneta Coliseum on August 16 ni Yeng Constantino, taliwas sa mga balitang lumabas na hangga’t maaari ay ayaw raw magpapa-interview ng rock icon sa showbiz reporters.

Actually, game na game sa pagsagot sa lahat ng mga tanong si Bamboo nu’ng presscon at very much accomodating ito sa mga nais magpa-picture kasama s’ya.

Tinanong din namin ang isa sa mga coach ng The Voice of the Philippines kung ready ba s’yang mag-guest sa show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice, dahil nakarating sa amin noon na tila ayaw raw n’yang mag-guest dito. Kasi baka hindi raw s’ya maging kumportable sa mga maaaring itanong sa kanya ng Phenomenal Box-Office Star.

“I’m very much willing to guest. I’ve met him a number of times. I’ve seen a couple (of episodes),” sey ni Bamboo.

Alam daw ng g’wapong singer ang format ng show ni Vice, kaya hindi s’ya natatakot na mag-guest dito. Kaya abangan natin ang paghaharap nilang dalawa one Sunday.

Nauligan namin na masayang-masaya raw ang mga aspiring singers na kabilang sa Team Kawayan ni Bamboo sa The Voice of the Philippines, dahil very hands-on daw ito.

Kung sakali raw na nag-audition si Yeng sa nasabing contest, malamang daw ay iiikot ni Bamboo ang kanyang upuan para sa singer.

Ibang klaseng bonding naman daw ang minsang naganap sa pagitan ni Apl.d.Ap at ng kanyang buong team, dahil niyaya raw ng international artist na mag-good time isang gabi ang mga ito.

Samantala, bilib na bilib naman ang buong audience at ang apat na coaches at mga bisita nila sa host na si Toni Gonzaga, dahil talagang dire-deretso ito sa pag-deliver ng kanyang spiels na kabisado lahat nito at kadalasan ay take one lamang.

Habang inaayusan kasi si Toni ng kanyang hair and make-up artists at stylist sa dressing room, nasaksihan namin na nagre-rehearse na ng kanyang mga linya sa harap ng salamin ang mahusay na host.

 

Personal: Belated happy 21st birthday to Kricell Maristela Gopez. 

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

4 thoughts on “Bamboo, game makipagharutan kay Vice Ganda

  1. natural magpapagood shoot yang si my precious dahil sa mga lutong desisyon nya sa pagpili ng mga nanalong member nya! twice na syang sablay sa pagpili at kung anu anung kaarantaduhan ang dahilan nya! he really lost his credibility at some followers! kawawa yung iabng nasa camp nya! yung mga nagpursigido mag train at mag effort eh yung sipsip lang pala ang pipiliin nya! kabobong coach!

    • EWAN KO BA JAN KAY BAMBOO-ZLER NA YAN. MEDJO LIHIS YATA ANG UTAK. NAKALIMUTAN NYA YATANG “THE VOICE” ANG PANGALAN NG SHOW NILA. SABI BA NAMAN NG LOLO NYO, PINILI NYA RAW YUNG ISA KASI FEELING NYA, MAS MAY MAITUTULONG SYA DOON KUMPARA DUN SA ISA. HAHAHAHA. 

    • HOMOPHOBIC DAW YAN TEH. NAKOH, YUNG MGA HOMOPHOBIC NA GANYAN, SILA RAW ANG MAY HIDDEN OR UNCONSCIOUS DESIRE TO BE WITH THE SAME SEX. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.