Ballsy Aquino: Nagdawit sa ‘min, lumantad kayo!

UMALMA ANG kapatid ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na si Ballsy Aquino-Cruz sa pag-uugnay sa kanya sa umano’y tangkang pangingikil sa Czech transportation company na Inekon na magsusuplay sana ng tren sa Department of Transportation and Communications (DoTC).

Mariing itinanggi ng presidential sister ang naturang alegasyon sabay ng hamon sa mga kritiko niya at sa kanyang mister na si Eldon Cruz na lumantad.

Ayon kay Ballsy, kung nagtungo man sila sa Prague ito ay upang magbakasyon lamang at bumisita sa isang simbahan at sa Santo Niño.

Hindi rin umano siya nakipagkita sa sinumang negosyante na may kaugnayan sa sinasabing kumpanya, paliwanag pa nito.

Una rito, sinabi ng Ma-lacañang na wala silang nakikitang masama sa pinaplanong pagsisiyasat ng Kamara sa tinaguriang MRT scam kung saan sentro rin ng kontrobersiya ang umano’y tangkang pangongotong ng ilang opisyal ng DoTC.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi nila pipigilan ang Kamara dahil karapatan nilang magsagawa ng pagsisiyasat sa mga issue na sa tingin nila ay kinakailangang imbestigahan.

Samantala, nanawagan din ang Palasyo kay Czech ambassador to the Philippines Josef Rychtar na makipagtulungan sa ginagawang pagsisiyasat ng DOTC kaugnay sa naturang issue.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

2 thoughts on “Ballsy Aquino: Nagdawit sa ‘min, lumantad kayo!

Leave a Reply

Your email address will not be published.