Balikbayan, anak, 1 pa dinukot ng ASG

DINUKOT NG UMANO’Y miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang isang balikbayan, anak nito at isa pa sa Sacol Island sa Zamboanga City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni PNP Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz Jr.,  alas-3 ng madaling-araw nang dukutin sina Jerpa Usman (may passport name na Gerfaeaths Lunsman), asawa ng isang German national, at anak na si Kevin Usman, 14 sa tahanan ni Romnick Jackaria, 19 anyos sa Brgy. Tictabon, Sacol Island.

Sinasabing nawala ang mag-ina kasama  si Jackaria at umano’y dinukot ng 14 katao.

Sa report, sapilitang isinakay ng mga suspek ang tatlo sa pumpboat habang ang iba pa ay lulan din ng naturang sasakyang pantubig.

Makaraan ang ilang oras ay napaulat na nasa Brgy. Sengad, Tuburan, Basilan ang mga biktima.

Sa pagsisiyasat, ang grupo ni ASG Commander Pula ang nasa likod ng pagdukot sa mag-ina.

Si Usman at anak nito ay umuwi lamang sa lugar noong July 11 para bumisita sa kanyang kaanak at nakatira sa Virginia, USA.

Samantala, alas 1:30 ay binuo na ang task force para masagip ang mag-ina.                     (EUNICE CALMA)

 

 

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.