Balik-Wowowee na Willie, may malaking pasabog!

Naispatan ng ating kamerang-gala ang pagdating ni Willie Revillame sa bansa noong Sabado, alas-tres y media ng umaga lulan ng Flight PR 103 via Los Angeles, USA.

Ngayong Lunes ang ‘big comeback’ ng TV host sa noontime show na Wowowee, matapos ang halos isang buwang pamamahinga, kung saan naramdaman ng marami ang kanyang pagkawala. At ayon sa mga kumakalat na chika, magkakaroon din daw ng malaking pasabog si Willie. Ito na kaya ang sinasabing tatakbo sa pulitika ang TV host? Bise-presidente nga raw ang tinatarget ni Willie, at running-mate siya umano ni Sen. Manny Villar, na sinasabi ring tunay niyang kasosyo sa multi-million peso na Wil Theater Mall.

Matatandaang nasangkot sa kontrobersiya ang TV host nang ipakita niya ang pagkairita at magbigay ng hindi magandang komentaryo sa pagsingit ng footage ng parada ng labi ni dating Pangulong Cory Aquino sa Wowowee.

Umani ng katakut-takot na pambabatikos mula sa publiko ang nasabing insidente at naging hudyat iyon para magsampa ng reklamo ang MTRCB laban kay Willie at sa pamunuan ng ABS-CBN. Mula noon, nasuspinde nga sa show si Willie.

Pero, sa bago ngang chika, para namang malabo na kababalik lang ni Willie sa noontime show, eh, kailangan na naman niyang umalis. Siyempre pa, ‘pag idineklara na niya ang kanyang kandidatura, hindi na rin siya puwedeng lumabas sa kanyang show, ‘di ba? Kaya ba sinasabi rin na ire-reformat na ang Wowowee?! ‘Yan ang aabangan natin!

PARAZZI WIRES PHOTOS

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.