Balik-showbiz na, pero ‘di raw sa Siyete Sunshine Dizon, lilipat na rin?!

SA PAGBABALIK-SHOWBIZ DAW ng award-winning actress na si Sunshine Dizon, balitang ‘di na muli itong magsa-sign ng kontrata sa GMA-7, na balitang natapos noong Agosto. Balak daw ng magaling na aktres na subukan namang magtrabaho sa ibang TV networks like TV5 at ABS-CBN.

Balita na sa dalawang nabanggit na network, mas interesado ang TV5 na kunin ang serbisyo ni Sunshine, kung saan bibigyan ng ilang isang show ang award-winning actress na marahil ay isang drama show, kung saan ito ang forte ni Sunshine; at isang show na makikita naman ang galing nito sa hosting.

Sa ngayon daw, puspusan ang pagpapapayat ni Sunshine dahil medyo tumaba-taba ito nang manganak sa kanyang lovely daughter at ilang buwan lang daw ay ready to work na naman ang isa sa pinakamaga-ling na aktres sa kanyang henerasyon.

 

PAIKA-IKA NANG MAKITA namin sa bakuran ng GMA-7 at pumasyal sa radio program ni Kuya Germs (Moreno) sa DZBB 594 ang hunk at mabait na aktor na si JC Tiuseco dahil kao-opera pa lang ng kanyang tuhod sanhi ng injury na natamo niya sa isang basketball game.

Kuwento ni JC, nagkaroon daw siya ng torn ACL or Anterior Cruciate Ligament. Na-delay nang ilang buwan ang pagpapa-ope-ra sana ni JC dahil may tinatapos pa itong drama series noon, ang Sisid, kaya naman after Sisid ay nagpa-opera kaagad si JC.

Dagdag pa nito na pagkatapos ng kanyang operasyon, kung ilang buwan din siyang magpapa-therapy para bumalik sa dati ang kilos ng tuhod niya at every week ay may therapy session siya. At kahit nga ‘di pa masyadong magaling ang kanyang tuhod ay sumabak na kaagad sa trabaho si JC via Kokak bilang isa sa leadingman ni Sarah Lahbati na gaganap na makabagong Rachel Lobangco na gumanap ng Kokak noon.

Natanong din namin sa kanya ang tungkol sa pagsabak sa hubaran sa pelikula ng kanyang kapatid na kasama sa indie film na Id’nal at sinabi nitong hindi siya aware sa bold film ng kanyang nakakatandang kapatid, dahil hindi pa raw nila ito napagkukuwentuhan.

Ang alam daw ni JC, umaarte sa entablado ang kanyang kuya at ngayon lang daw niya nalamang gumagawa na rin ng indie film ang kanyang kapatid. Ayaw raw muna nitong magkumento sa pag-hububad ng kapatid sa pelikula, dahil ‘di pa naman daw nito nakikita ang movie at ‘di pa sila nakakapag usap tungkol du’n.

 

LUMIPAD PATUNGONG AMERIKA ang controversial young star na si Shaina Magdayao, kung saan ilang linggo raw itong mananatili sa USA. Tsika nga ng mga close sa dalaga, mas maganda na nga ang desisyon nitong mangibang-bansa muna para makapag-isip-isip at mas madaling makalimot.

Ito rin daw ang paraan para mas hindi lumaki ang issue sa pagitan nila ni John Lloyd. Habang may nagsasalita raw kasi, mas lumalalim ang sugat gawa ng palitan ng mga salita na puwedeng gatungan ng mga taong natutuwang magkahiwalay na sila.

Mabuti na nga lang daw at mas pinili ni Shaina na tumahimik na lang at magtungo sa Amerika para mamatay ang intriga sa kanila ni John Lloyd. If ever nga raw na hindi na ito magkakaayos, mas maganda sanang maging magkaibigan na lang sila. Baka-sakaling mas mag-click sila bilang magkaibigan kaysa magkatipan. ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

9 thoughts on “Balik-showbiz na, pero ‘di raw sa Siyete Sunshine Dizon, lilipat na rin?!

  1. bagong taon na magbago na kayo, puro kayo panlalait, as if naman may weight ang mga pinagsasabi niyo sa mga taong nilalait nyo. Sunshine is a good actress. At least siya nalaos meaning sumikat siya, kayo kailan kayo sisikat?

  2. @anonymous, bakit ka galit sa mga bakla, ano bang nagawa sa mga bakla sa yo, just curious lang ho!!!!! Kung gusto mong mamatay lahat ng bakla, para mo na ring pinatay kalahati ng popullation ng Pinas,

  3. Who cares? your Glory days are over! Muntik nang nasira ang isang teleserye dahil sa iyo! Thankgoodness for Nadine Samonte who took over your role.Good luck sa palipat mo sa IBC13.

  4. laos na si sunshine, kahit saang networks sya pumunta, isa na lang syang kangkong na walang kwenta. laos na! period! si jc tiuseco? da hu yan??? epal na shaina naman yan, walang kwenta, gayundin yang matandang ruffa na pumapatol pa sa bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published.