Balik-showbiz na naman
Richard Gomez, tanggap ang pagkatalo sa eleksyon

SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon, lumabas muli sa showbiz gathering si Richard Gomez pagkatapos ‘di palarin na manalo sa nakaraang eleksyon. Humarap ang aktor sa media sa nakarang 44th Box-Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Foundation nu’ng nakaraang Linggo, kung saan tinanghal sila ng kaparehang si Dawn Zulueta bilang All-Time Favorite Loveteam in Movies and TV.

Agad kinumusta ng lahat si Goma, at kung natanggap na ba nito nang maluwag sa dibdib niya ang pagkatalo sa katatapos na eleksyon.

Ayon sa aktor, natalo siya at nanalo naman ang asawang si Lucy bilang Kongresista. Natanggap agad ni Goma ang pagkatalo, dahil para sa kanya dapat magpatuloy ang buhay at ‘di patali kung nabigo ka man sa ibang bagay. Nagbigay kasiguraduhan naman ito na tuluy-tuloy ang suporta at pagtulong sa asawa na dati pa naman ay ginagawa na niya.

Sa tanong kung tatakbo pa ba siya sa sussunod na eleksyon, sa ngayon ayon kay Richard ay ‘di niya iniisip dahil marami siyang bagay na dapat gawin at ilan nga rito ay ang dalawang pelikula na nakalinya nilang pagtambalan ni Dawn.

Isa na rito ay ang pelikulang Sugo na produce ng Iglesia ni Cristo para sa kanilang ika-100 taong anibersaryo, kung saan naantala ang shooting nito dahil sa dumating na eleksyon. Pero sa ngayon ay naghihintay na lang sila Richard at Dawn ng panibagong schedule para masimulan na nila ang napakalaking pelikula na ito.

 

NAKAUSAP DIN namin sa nakaraang award-giving ceremony si Vice Ganda na pinarangalan naman as Phenomenal Box- Office Star katuwang sina Ai-Ai delas Alas at Kris Aquino dahil sa tagumpay ng pelikulang Sisterakas. Maligayang-maligaya dahil bukod sa parangal na nakamit ay naging isang malaking tagumpay din ang katatapos na concert sa Araneta, patuloy ang sunud-sunod na magagandang nangyayari sa career ng TV host/comedian.

Bago pa man ang interview ni Ai-Ai sa The Buzz, kung saan kinumpirma nito ang pakikipaghiwalay kay Jed Salang at ang masasakit na pinagdaanan niya sa kanilang pagsasama, pahapyaw nang nagbiro ang Comedy Queen sa nakaraang concert ni Vice na may pinagdaraanan siya, kung kaya’t nagkaroon ng ideya ang lahat na may problema nga silang mag-asawa.

Agad naming tinanong si Vice kung ano ba ang suportang binibigay niya sa kaibigan sa problemang kinakaharap nito. Kuwento ng komedyante, nagkaka-text sila ni Ai-Ai pero ‘di niya magawang tanungin ito tungkol sa problema nito. Alam na may matinding pinagdaraanan ang kaibigan pero hinahayaan na lamang niya ito at binibigay rito ang espasyo.

Nagbigay-mensahe rin si Vice Ganda kay Ai-Ai na manatili itong matatag, punung-puno ng panalangin at kumakapit sa Diyos dahil alam niyang malalagpasan ito ng kaibigan.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

4 thoughts on “Balik-showbiz na naman
Richard Gomez, tanggap ang pagkatalo sa eleksyon

  1. Sobrang ambisyon kasi,,Mayor kagad. Gayahin mo si Bistik slowly but surely.. Umpisan mo s kagawad den Barangay capt. den Councilor den vice Mayor & den yung ambisyon mo.. Mag silbi sanang aral sa yo yan..ambisyoso.

    • NAKS! Maka-ambisyoso siya oh. Tin-ry lang naman ah? And there’s no harm in trying. Gusto lang nya maglingkod sa publiko. Masama ba yon? Don’t judge like. Kilala mo lang sya sa pangalan pero di mo alam yung tunay na pagkatao nya! So, shattap! OKAY?!

    • Hey you bureche! They have proven their worth in the industry individually. But now that they are working as loveteam, they are more valued and in-demand… So they both need each other stupid!

Leave a Reply

Your email address will not be published.