Balik Raket ang mga Kapalmuks!

 

0939441xxxx – Mr. Raffy Tulfo, ipaaalam ko lang po na bumalik na naman po ang raket ng LTFRB dito sa lugar ng Royal Balin-tawak. Kasi po, ang bawat taxi ay sinisingil ng P40.00 at dagdag P20.00 para sa extencil at ang masaklap pa po rito, wala pong resibo na ibinibigay sa bawat perang kinukuha nila sa amin. Isa po akong miyembro ng taxi squad. Kami po ay umaasa na matutulungan  ninyo kami.

 

0907177xxxx – Idol Raffy, gusto ko pong isumbong sa inyo ang mga kolorum dito sa lugar ng Araneta Ave., cor. Aurora Boulevard. Ako po ay mayroong legal na permit para sa aking ibinabiyaheng tricycle. Taun-taon po ay gumagastos ako para sa prangkisa ng aking tricycle. Ang pangalan po ng aming samahan ay Arpatoda. Ang iba ko pong kasamahan ay hindi nahuhuli sa kadahilanan na sila ay naglalagay ng P1,500.00 kada buwan sa mga pulis. Ito po ay sina Omli at Dela Cruz. Sana po ay matulungan ninyo kami sa aming suliranin at para masugpo na rin ang kanilang mga maling gawain.

 

0915444xxxx – Mr. Tulfo, nais ko pong ipaalam sa inyong tanggapan na ang mga tanod ng kapitan sa Batasan, Quezon City ay kargada ng mga matataas na kalibre ng baril. Hindi po ba mali ang pamamaraan nila dahil kinatatakutan po sila ng tao rito sa amin? Hindi po kami napapanatag dito sa aming lugar dahil sa mga tanod ni Kapitan. Sana po ay mabigyan ninyo ng aksyon ang bagay na ito. Maraming salamat po at more power po sa WANTED SA RADYO.

 

0917505xxxx – Sir Raffy, isa po akong concerned citizen, gusto ko pong malaman kung tama po ba ang ginagawa ng mga MMDA rito sa aming lugar. Ang karamihan sa mga delivery truck ay kanilang pinapara at pagkatapos ay patatabihin at pipiliting pabuksan ang laman ng delivery truck. Kahit wala pong violation, sasabihin nila na lumabag ka sa batas trapiko. At doon na lalabas na kotong lang ang pakay nila sa amin. Napipilitan kaming magbigay para makaiwas sa abala. Ang isa po sa mga abusadong enforcer ay si Garcia E.R. Sana po ay maipahatid ninyo sa kanilang pinuno ang mga ginagawang katiwalian ng mga ito. Salamat po.

 

0923429xxxx – Mr. Action Man, nais ko pong isumbong ang mga pulis dito sa lugar ng Valenzuela. Alas-singko ng umaga ay nagsisimula nang mangotong sa mga motorista. At ang kapal pa po ng mukha dahil nakapuwesto po ito sa mismong harapan ng simbahan. Ito po ay may body no. na 414. Kahit makiusap ka sa mga pulis na ito ay hindi ka pagbibigyan. Ang katuwiran nila, kung ayaw mong maabala ay magbigay na lang ng pera sa kanila. Sobra po ang pagmamalabis sa kapwa ang kanilang ginagawa. Kayo na lamang po ang pag-asa namin para masugpo ang mga ito.

 

ANG INYONG mga sumbong ay masosolusyunan at mapakikinggan sa programang WANTED SA RADYO 12:30-2:00 ng hapon, Lunes hanggang Huwebes at 2-4pm tuwing Biyernes sa 92.3 News fm. At mapapanood sa Aksyon TV Channel 41.

Para sa inyong mga sumbong at reklamo, mag-text sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO. Maaari ring magsadya sa aming Aksyon Center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City.

 

 

 

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.