Balik Eskuwela-2011, handa na sa Navotas

BILANG PAGHAHANDA SA muling pagbubukas ng klase sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod na Navotas, naglunsad ng programang “Oplan Balik Eskuwela” ang pamahalaan Lungsod ng Navotas.

Inatasan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang City Engineering office upang ayusin ang lahat na mga sira-sirang kalsada at linisin para hindi tumaas ang tubig-baha sa panahon ng tag-ulan.

Kasabay nito, bumuo rin ng Barangay Anti-Dengue Team na siyang magmo-monitor at makikipag-koordinasyon sa 14 na barangay, kung saan magsasagawa ng fogging operation para makaiwas sa anumang sakit ang mga mag-aaral.

Inalerto rin ng alkalde ng Navotas police, at ipakalat ang mga kapulisan sa mga lansangan na siyang sinasamantala ng mga kriminal at madalas na biktimahin ay ang mga estudyante isa na rito ang pagtaas ng kasong Robbery Hold-Up sa lungsod.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.