Balik-bayan, todas sa riding-in-tandem

NAGING MALUPIT ang kapalaran ng isang seaman na kauuwi lamang sa bansa nang barilin ng riding in tandem sa Maynila kahapon ng madaling-araw.

Batay sa Homicide section ng Manila Police District, naghihintay ng masasakyang bus sa Victory Liner Bus Station sa Bustillos, Sampaloc, Manila si Benito Evangelista, 39-anyos nang barilin ng hindi nakikilalang salarin.

Dinalaw lang umano ng biktima ang kanyang kapatid sa Sampaloc at uuwi na sa Zambales kasama ang misis at anak nang maganap ang insidente.

Isang tama ng bala ng baril sa mukha ang kumitil sa buhay ng seaman at inaalam pa ang motibo ng pamamaril.

Hinala naman ng awtoridad na mistaken identity ang pagpaslang dahil kabababa lamang ng barko ng biktima at wala naman umano itong kaaway.     (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.