Balasahan sa PNP, nakaamba

INAASAHAN ANG PAGGALAW ng mga top officials ng Philippine National Police (PNP) ngayong buwan.

Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. ang balasahan ay kasunod ng pagreretiro ng apat na matataas na opisyal gaya nina Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Leonilo Cruz.

Ngayong araw na ito, April 8 ay mag-reretiro si Cruz kaya otomatikong mababakante ang kanyang puwesto.

Habang sa April 15 ay si Deputy Chief Directorate for Administration Dep. Dir. Gen. Perfecto Palad na number 2 man ng PNP at produkto ng PMA Class 1977.

Gayunpaman, nilinaw ng PNP Spokesman na wala pang inaanunsiyo ang pamunuan ng PNP partikular ang Senior Officers Placement and Promotions Board (SOPPB) kung sinong mga senior officials ang ilalagay sa mga mababakanteng posisyon.

Magugunitang unang napaulat ang mga pangalan ni Region 4-A C/Supt Samuel Pagdilao na posibleng maupo sa CIDG, habang si Region 3 DIR C/Supt. Allan Purisima naman ang sinasabing maaaring pumalit kay NCRPO Chief, Dir.  Nicanor Bartolome na posibleng maging number 4 man ng PNP bilang Chief of the Directorial Staff. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.