Balak magpahinga sa Amerika: Sunshine Dizon, Buntis?! – Lolit Solis

ANO NA NAMAN kaya ang problema ni Sunshine Dizon at parang nabalik na naman yata ang dating sakit nito?

Nitong nakaraang linggo, dalawang beses nang na-pack-up ang taping ng Tinik sa Dibdib dahil sa hindi maganda ang kalagayan nito at ang latest nga ay isinugod ito sa hospital nu’ng nakaraang Biyernes.

Nung una, naglayas daw ito at nag-away raw sila ng Mommy Dorothy niya, pero kinabukasan okay na naman sila at magti-taping na raw ito sa Tinik.

Pero hindi pa rin sila natuloy dahil na-hospital naman ito at na-ICU nga raw.

[ad#post-ad-box]

Ang sabi ni Mommy Dorothy, na-overdose daw ito ng Tylenol dahil hindi raw nakayanan ang sobrang sakit ng ulo.

‘Di ba dati, matagal din itong nagpahinga sa hospital dahil sa matinding migraine? Apektado ang trabaho niya noon at baka bumalikk na naman ang dating sakit.

Ang sabi naman ni Mommy Dorothy, okay naman daw ang anak niya at nakalabas na nga ito sa hospital. Ang sabi pa niya, mag-SOP na ito dapat kahapon pero ewan ko kung natuloy dahil hindi nga nakapag-taping sa Tinik.

Naku, ha! Parang may ibang isyu talaga ito kaya abangan na lang natin kung ano ang susunod niyang gagawin.

May kuwento pa si Mommy Dorothy na balak daw ni Sunshine na magpahinga sandali at doon daw muna siya sa Daddy niya sa Amerika. Paano na ngayon ang TInik sa Dibdib at dapat nga meron pa siyang isang show sa GMA-7.

Kung matutuloy itong pag-a-Amerika niya, baka may bahid ng katotohan nga itong kumakalat na balitang buntis siya.

Dapat na mapatunayan ni Sunshine na mali ito at bumalik na siya sa trabaho.

SI JENNYLYN MERCADO rin nga muntik ding na-pack-up ang taping ng Ikaw Sana dahil biglang nag-chill daw ito sa sobrang taas ng lagnat.

Isinugod din ito sa hospital sa Tagaytay pero hindi naman siya na confine, pagkatapos siyang bigyan ng gamot, bumalik din ng taping dahil kailangan nilang tapusin para makahabol sila sa airing nito.

Pinagpahinga raw muna si Jennylyn ng doktor ng ilang araw para magkaroon naman ito ng resistensya ‘pag bumalik na siya sa taping.

Kahit nga si Mommy Lydia ay naging sakitin na rin kaya nag-aalala rin si Jennylyn.

Sa October 15 daw malalaman ang resulta ng mga test nito kasi hindi pa rin alam kung ano talaga ang sakit nito.

Ang sabi nga ni Mommy Lydia, lagi niyang ipinagdarasal sa Diyos na maging okay lang ang kalusugan nila alang-alang sa apo niyang si Alex Jazz na lalong nakatutuwa na raw ngayon.

Kung si Mommy Lydia ang tatanungin, walang problema sa kanya kung sakaling makita ni Patrick Garcia ang apo niya, pero wala naman daw siyang magagawa kung ayaw ni Jennylyn kaya hinihintay na lang daw nitong lumambot ang puso nito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

12 thoughts on “Balak magpahinga sa Amerika: Sunshine Dizon, Buntis?! – Lolit Solis

  1. sa showbiz di mo talaga alam kung sino nag sasabi ng totoo. masaya maging artista dahil sa popularity malungkot din kapag personal life eh nauungkat din ng ibang tao lalo pa kung ikakasira ng name nila . sana para sa mga fans hangaan na lang nila kung anung galing sa pag arte ng idols nila at wag na nilang panghimasukan ang private life ng idols nila. khit sino man tao gusto ng privacy di ba?

  2. Oi sunshine ang ganda pa naman ng TINIK SA DIBDIB. ang saklap naman at kailangan mong mawala, at mas masaklap na si Nadine ang papalit. Walang talent. hay kahit buntis ka okay lang yan, sino tatay? haha sana wag si Jojo Manlongat ha. kriminal.

  3. hay naku, wala nang ibang mga dahilan yang mga walang kuwentang starlet na yan pati mga iabang tao ay isasama nilang mag-isip. hospital, icu at doctor na lang ang kanilang mga dahilan pag na pack-up ang taping. Kala mo naman mga sensitive yang mga hinayupak na yan, dati rati kumakain din yan ng mga tira tira. Pakainin mo yan ng bubug at dumi at ilub lub mo sa imburnal sa pelikula tignan mo at mabilis pa sa alas 4 tatangapin ang role. Pera lang ang katapat ng mga starlet na yan pweeee. move on

  4. dami kasing iklat to si jennylyn kesyo d ipapakita etc etc blah blah blah, sumasakay pa sa isyu kuno cla ni mark “bobo” herras. yan kasi makati ka pa sa gabing bata ka kung nag focus ka sa career mo d ka dumadanas ng matinding problema. after mark, jeremy then patrick.

  5. Walang pera si Patrick. Walang trabaho. Tapos sugarol pa.San siya kukuha ng child support para sa bata? DAti, si Jen pa ang nagbibigay ng pera pansugal ni Patrick kaya masyado nang napaso si Jen.

    • haha patrick laos ka na. nung high school ako sikat ka pero noon yon. si jennylyn din mukhang di na rin tatagal ang career kaya balik tambalan ulit sila ni mark herras, neng di na bebenta yan. Aljur at Kris Bernal na ang sikat.

  6. Ipakita mo na kasi sa ama at hingan mo nang child support. Itago mo sa bangko pasa sa kinabukasan nang anak mo. Hindi puwede iyong nag iinarte ka pa, di ba Jen?

Leave a Reply

Your email address will not be published.