Bala sa Hostage-Taking, Kuwestiyunable

MAY POSIBILIDAD NA iba ang pinanggalingan ng mga balang pumatay sa ilan sa mga biktima ng hostage-taking tragedy noong Agosto 23, ayon kay Justice Secretary Leila De Lima.

Sa ginanap na press conference, sinabi ni De Lima na malayo ang resulta ng forensic findings sa naging testimonya ng bus driver na si Alberto Lubang.

Sa imbestigasyon ng Philippine National Police-Scene of the Crime Operations (PNP-SOCO) at ng National Bureau of Investigations (NBI), kung ang ginamit ng hostage-taker na si Rolando Mendoza ay isang M16 rifle, mas malaki sana ang tinamong sugat ng mga biktima.

“Konti ‘yung mga palabas, mas marami ‘yung papasok. ‘Yung ibang entry bullets, malalayo talaga na parang wala silang pakialam. ‘Yung nagta-target, kasi nga total darkness that time,” ayon kay De Lima.

Bumalik ang mga awtoridad sa bus kung saan naganap ang insidente upang muling mag-imbestiga. Bukas naman ang opisina ni De Lima sa tulong ng Hong Kong authorities.

“We have to determine from whose gun the shots that injured and killed the victims. We do not know that yet,” pahayag pa rin ni De Lima.

Tanging ang mga miyembro pa lang ng SWAT (Special Weapons and Tactics) ang nagsumite ng kanilang mga ginamit na sandata para sa ballistic examination.

“I insisted that all the firearms from all of the teams who were deployed there even outside the MPD (Manila Police District) SWAT or any other unit actually deployed—those firearms also should be submitted for ballistic examination. Whether or not they fired the gun, it is SOP for them to determine whether other shots were made. We should not miss on the possibility that some died of friendly fire, otherwise we will be not that thorough,” dagdag pa ni De Lima.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.