Bakuna kontra tigdas, posibleng kulangin

DAHIL SA pagdami ng bi-lang ng mga nagpapabakuna kontra sa tigdas, pinaghahandaan na ng Department of Health (DOH) ang posibilidad na magkulang ang mga bakuna sa mga health centers.

Sa Maynila pa lamang, tumaas na ang bilang ng mga nagpapabakuna sa 20,000 bata sa 140 barangay sa loob lamang ng dalawang buwan.

Ito’y dahil sa itinaas ang edad ng mga puwedeng bakunahan sa limang taon kumpara sa noo’y dalawang taon lamang.

Tiniyak naman ng DOH na umorder na ito ng mga bakuna bilang paghahanda sa massive nationwide vaccination sa Setyembre.

Iginiit din ng DOH na madaling malulutas ang nasabing suliranin laban sa tigdas kung magtutulungan ang pamahalaan, pribadong sektor at mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.