Baklang pulis, puwede na sa PNP

BUKAS ANG liderato ng Philippine National Police (PNP) sa posibilidad na mag-recruit ng mga bakla sa kanilang hanay.

Sinabi ni PNP spokesman Generoso Cerbo Jr. na walang diskriminasyon sa pulisya kung kaya maaari silang tumanggap ng mga aplikanteng bakla basta’t makasusunod ito sa standards at proper decorum.

Matatandaang dalawang kongresista ang nagpanukalang payagan ang mga bakla na makapasok sa PNP, kabilang na si Agham Partylist Rep. Angelo Palmones, na naniniwalang marami ng baklang pulis na nasa serbisyo at ayaw lamang lumantad. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.