Baklang magtatangkang manligaw kay Ronwaldo Martin, gugulpihin daw ni Coco Martin

VERY honest ang indie film actor at isa sa lead actor sa pelikulang “Bhoy Intsik” ng Sinag Maynila na si Ronwaldo Martin na minsan na siyang niligawan ng bading. Kapatid ng sikat na matinee idol na si Coco Martin si Ronwaldo.

Ronwaldo Martin with Coco Martin

Pagkukuwento ni Ronwaldo, “Bata pa po ako noon, mga pa-backride-backride pa lang po ako sa tricycle, gano’n. ‘Pag tumatambay po ako dati, madaling-araw na po kasi ako umuuwi no’n, eh.”

Lahad pa ng indie actor, “Mga 4 (a.m.) po ako umuuwi, eh. Meron pong mga bading na pagala-gala, tapos siyempre kami, mga tambay, gano’un, lalapitan kami. Tapos kunwari, kilala ‘yung kaibigan ko, tapos tatanungin kung puwede ba ako, gano’n.”

“Alam naman ng mga bading sa lugar namin na kapatid ko si Kuya Coco (Martin). Kaya sinasabi ko sa kanila, gugulpihin po sila ni Kuya ‘pag nalaman po, eh,” pagtatapos ni Ronwaldo.

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.