Bakit kay Luis hindi? Jennylyn, hiyang-hiya sa pagkakadawit sa hiwalayan daw nina Claudine at Raymart

PILIT NA INIUUGNAY ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado sa kumakalat na break-up ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago. Magkasama sina Jen at Raymart sa natapos na Futbulilits ng GMA-7 kaya ito ang tinitingnang anggulo ng mga tsismosa. Ayon sa aktres eh, lahat silang artista sa nasabing soap ay magkakaibigan. Sa tanong naman kung na-shock ba si Jen na siya ang itinuturong dahilan sa isyu nina Clau at Raymart? Sagot ni Jen ay naguluhan siya sa nalamang balita at hiyang-hiya raw ito sa mag-asawa kung bakit pati siya’y nadawit sa usaping pampamilya ng mga ito. Humingi na raw ng paumanhin si Raymart sa dalaga at umaasang malilinawan ito sa takdang panahon. Hmmm… tanong ng sambayanan eh, kung sobrang nahihiya itong si Jen kina Claudine at Raymart, nahihiya rin kaya ang ating bida kay Luis Manzano dahil ‘di ba parang may relasyon na silang dalawa? Ano kaya ang reaksyon dito ng TV host-actor?

Photos by Luz Candaba, Mark Atienza & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

3 thoughts on “Bakit kay Luis hindi? Jennylyn, hiyang-hiya sa pagkakadawit sa hiwalayan daw nina Claudine at Raymart

  1. Nahiya ka pa Jen, eh mas malala pa ang nangyari sayo.. Mas nakakahiya ka kasi nabuntis ka lang!!! Dalaga ba ang tawag sayo? hindi ka pa nga nadadala eh.. pagkatapos mo kay patrick, kay dennis na naman ngayon kay luis.. Excuse me, sa mukha mo may hiya ka pa ba? Wag kang ganyan teh,  nakadiring pakinggan!

Leave a Reply

Your email address will not be published.