Baker Atyani, ‘Di Delikado sa ASG

PINASINUNGALINGAN KAMAKALAWA ng Sulu crisis management committee na may banta sa buhay ng umano’y nawawala noon pang nakalipas na Hunyo 12 na sina Baker Abdullah Atyani, Jordanian journalist, at kanyang mga kasamang dalawang Filipino na sina Ramelito Vela, cameraman, at Rolando Letrero, audioman.

Ayon sa ulat, sa katunayan, patuloy umano ang ginagawang interview ni Atyani sa mga lider at tauhan ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa mga pinagkukutaan nila sa lalawigan ng Sulu habang nire-record ito sa kanilang audio-visual equipment para sa kanilang ginagawang TV documentary production.

Kilala sa Atyani bilang tauhan ng Al Arabya TV news network sa Saudi Arabia at narito sa bansa kaugnay sa special assignment hinggil sa kilusan ng mga bandidong ASG sa mga lalawigan ng Sulu at Basilan.

Taliwas ito sa mga naglitawang balita na umano may nangyayaring negosasyon sa umano’y abductors upang mapalaya nang ligtas ang nasabing TV team ni Atyani.

Kinumpirma ng nabanggit na crisis management committee na pinamumunuan ni Sulu Governor Sakur Tan na walang nakikitang panganib na nagbabanta sa buhay nina Atyani at kanyang mga kasamang sina Vela at Letrero sa lugar na pinagtataguan ng bandidong pangkat.

(EUNICE CALMA) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.