Bakbakan nina Daniel at Kathryn sa ‘La Luna Sangre’ inaabangan!

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo

MAY MGA BAGONG pasabog ang La Luna Sangre primetime series ng ABS-CBN lalo na ngayong inilantad na ni Daniel Padilla as Tristan ang kanyang sarili kay Malia na ginagampanan naman ni Kathryn Bernardo. Umapir na ulit ang karakter ni Daniel na inakalang patay na.

Ayon sa Kantar Media, mas pinanood ng mas maraming viewers nationwide ang madamdamin at maaksyon paghaharap ng dalawa  kaya naman pumalo ang episode sa national TV rating na 30% kumpara sa 17.8% na kalabang programa.

Marami ang napa-react sa naiiba at tila wala nang pusong si Tristan na hindi natinag sa yakap at pagsusumamo ni Malia.
    
Umigting pa lalo ang tensyon sa pagitan ng dalawa nang saktan nito ang dating iniibig. Bagama’t iniwan niya ang bagong itinakda nang buhay, pinagbantaan naman niya ito sa paparating na digmaan.

Sa totoo lang, mas pinabagsik ang La Luna Sangre sa mga susunod p ang episodes nito kaya tiyak na maraming televiewers ang mag-aabang. Napapanood ang KathNiel epic serye pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

3 thoughts on “Bakbakan nina Daniel at Kathryn sa ‘La Luna Sangre’ inaabangan!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.