Bakasyunista, Patay sa Lunod

NAUWI SA trahedya ang sana’y masayang get together ng isang pamilya sa Quezon province.

Ito’y matapos malunod ang bakasyunistang si Mark Angelo Brasas, 16, ng Caloocan City.

Ayon kay PO2 Andro Radones ng PNP Sairaya, dahil bakasyon at bibihirang umuwi ng probinsya, nagkatuwaan ang pamilya Brasas at ilang pinsan nitong maligo sa dagat kahapon.

Subalit habang naliligo kasama ang isa pang pinsan, aksiden-teng napadpad sa malalim na bahagi ng dagat si Brasas dahilan upang malunod ito.

Sinubukan pa uma-nong tulungan ng hindi na pinangalanang pinsan ang biktima subalit kapwa silang lumubog sa tubig.

Samantala, maswerte umanong naagapan ng ilang naliligo sa lugar ang pinsan ng biktima subalit minalas si Brasas dahil ilang minuto ring lumubog ang katawan nito sa dagat hanggang sa bawian ito ng buhay.

Kasalukuyang balot pa rin ng lungkot ang pamilya Brasas dahil sa pagkamatay ng biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.