Baka raw mawalan ulit ng trabaho
Jeric Gonzales, natatakot tumaba

DAHIL SA biglang paglobo ng katawan, nawalan ng project ang male Protegee winner na si Jeric Gonzales kaya naman after ng Love and Lies at habang walang trabaho ay nagbawas ng timbang si Jeric sa pamamagitan ng pagbabasketball at gym.

Kaya naman nang pumayat na ito ay binigyan siya kaagad ng GMA ng bagong show, ang Pyra, Babaeng Apoy, kung saan katambal niyang muli ang kanyang ka-loveteam na si Thea Tolentino.

“Nung wala akong trabaho, doon ako nag-focus na magpapayat, nagba-basketball ako weekly, siguro mga trice a week and in between, nagdyi-gym ako.

“Ang siyempre super diet and discipline sa sarili. Kasi ‘pag ‘di ko ginawa ito baka tuluyan na akong ‘di bigyan ng trabaho ng GMA-7 at ayaw ko ‘yun. Hahaha!”

Sa ngayon daw, patuloy pa rin ang pagdyi-gym ni Jeric sabay ng pagba-basketball, para ma-maintain niya ang magandang pangangatawan at mas mabigyan pa siya ng mas maraming trabaho ng Kapuso Network.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

7 thoughts on “Baka raw mawalan ulit ng trabaho
Jeric Gonzales, natatakot tumaba

  1. ay artista pala si puge? lol sabagay sa kamuning station pala yan kaya never been heard at isang malaking NOBODY! LOL

  2. Super gwapo nya.. Sya yung nanalo sa Protege… Sana maging big star ka rin tulad nina Dingdong Dantes at at iba pang stars..

  3. sincha, da who, starlet na naman ang topic ni madam john fontanilla hahaha! dyusko panibagong boytoy mo siguro ito ano? hahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.