Baka raw masulot ng Australian admirer
Melai Cantiveros, muling sinusuyo ni Jason Francisco?!

ANG DAMING kumampi kay Anne Curtis nang ma-ging kontrobersiyal ang kanyang production number sa ASAP recently kung saan nagsuot siya ng outfit na hanggang singit ang slit.

Hindi bastos ang naging dating ni Anne sa mga fans who rallied behind her sa social networking sites.

“Nothing is left for imagination but hey just like what they say, “if you got it, flaunt it”!!! it’s just too bad that FILIPINOS in general are a bunch of HYPOCRITES, here in the states skin exposure isn’t a big deal,” sabi ni Lee Burgos.

Para kay Arielle De Guzman Tenggren, nothing is wrong in Anne’s very sexy dress as it was very fashionable. “Wala akong nakikitang mali sa pagsusuot ng daring ni Anne… marami sa ating mga Pilipino ang mga plastik na kunwari eh nandidiri at kinokondena ang mga artistang nag-express lamang ng kani-lang sarili for art sake. alangan namang magsuot sila ng Maria Clara sa ASAP… hello!!!… tigilan na nga yang kaipokritahan na yan… magbago na tayo ng mentalidad… ang buong mundo ay umuusad na ng mabilis except sa ‘Pinas na usad pagong kasi utak talangka ang ilan sa atin.”

For Nin Yu Borrel, Anne is a fashion icon. “The one who wore the dress definitely defines the word fashion.. anne is a fashion icon hre in the Phils.. that has morale and decorous hearts.. i was really flabbergasted when i saw this pic..go Anne never mind the haters.”

Si Perpetua Joy Apawan-Villela ay ganito rin ang paniniwala. “Ok lang its fashion and we all know fashionista si anne nothing wrong with that.”

 

BACK IN each other’s loving arm ba sina Melai Cantiveros at Jason Francisco?

A photo of them was posted recently sa Facebook kung saan nakitang magkasama ang dalawa na namamasyal sa isang mall sa Makati recently.

Hindi kaya na-threaten si Jason nang ibuking ni Kris Aquino sa show niya na merong Australian admirer itong si Melai?

We saw the photo of Melai’s Australian  suitor at mas guwapo nga ito kay Jason. Ilang beses na pala silang nag-date at one time ay nagpunta ang Australian guy sa taping ng Banana Split ni Melai.

 

BLIND ITEM: Talk of the town ang isang starlet sa isang apartelle na kanyang tinirhan.

Kasi naman, hindi pa pala ba-yad ang hitad sa kanyang renta ng isang buwan. It seems na wala na siyang pambayad kaya tumakas na lang daw ang hitad.

The bell boys were surprised nang malaman nilang hindi na bumalik ang starlet sa kanyang unit.

And when they opened the room ay naloka sila dahil nag-iwan ito ng ilang mga damit. Ang ikinaloka nila, halatang pinaghubaran ng hitad ang mga damit at tila matagal nang hindi nalabhan. With that, naging masangsang ang amoy sa loob ng kuwarto nang kanila itong buksan.

Da who ang starlet? Well, she’s a singer-actress na walang nangyari sa career kahit na member siya ng isang show na pamorningan ang labas.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

12 thoughts on “Baka raw masulot ng Australian admirer
Melai Cantiveros, muling sinusuyo ni Jason Francisco?!

  1. tma ang mga opinion ninyo na ginagamit lang ni jason si melai dahil kong totoo ung feelings niya hindi niya sasaktan si melai ang kapal naman ng mukha niya na siya ung nag ask ng space at nakita ko sa video ung efforts ni melai na kausapin siya ng maayos at siya ung ayaw humarap kay melai at ano ngayon dahil na feel niya na wala siya kung wala si melai now babalik na siya atr kung ano pa ung mga sinasabi niya na loves niya si medlai ay naku kasinungalinanga un tinatakpan lang niya ung ginawa niya. melai move on at gamitin mo ung utak mo anoh daming lalaki jan di lang si jason baka kong di m gamitin ung mind mo ikaw rin dahil feel ko na sasaktan ka ulit niya. bahala ka

    • as if naman ang sikat sikat ng pangit na malandi para gamitin ni jason .magsinungaling at magpaawa lang ang malanding melisa at makidate sa lahat ng foriegner na akala nya gusto syang ligawan .ayan nagdeny si aussie na nanliligaw pero si landi sige pa rin ang sabi sa kristv na getting to know sila.kapal .ilusyunada

  2. para namang di nanggagamit si dayuhan kay melisa. nanggagamit na nga wala pang taste .desperadong makapasok sa showbiz .humanap ka naman ng sikat .

  3. ADMIRER, ME GANON?! anong klase, Kangaroo or Koala Bear? O Baka naman Tasmanian Devil! Im sure asong Dingo.

  4. 1. PARA NAMAN KASING HINDI SINISERYOSO NI JASON SI MELAI EH, KAYA PARANG LUMALABAS NA GINAGAMIT LANG NIYA SI MELAI PARA MAGKA-RAKET SA SHOWBIZ. 2. YUNG SAGOTSA BI SI SHIRLEY FUENTES

    • Si Kapusong Shirley Fuentes, Coco Loca. Anong ginagawa ni Kuya Germs? Busy kasi sa mga boylets niya.

  5. mas gwapo kayang di hamak si jason sa ausssie na yun ,banyaga lang si aussie boy kaya feel ang mga colonial mentality pinoy at ng mga pangit para mas gumanda lahi .hahahaha.feel rin ng mga social climber para sa dolyar

  6. “If you got it, flaunt it ” sabi ni Lee Burgos. Unfortunately, Lee, lahat ng nasa female gender, GOT IT. Pero, hindi naman nila fino-flaunt ito. Maski dito sa US, discreet pa rin ang tao. Jolie,
    , Rihanna and J-Lo are famous for their high slits pero hindi naman inilaladlad ang mga singit at hindi naman halos naka bilad na ang kanilang GOT IT.

    • ISA LANG ANG TANONG JAN, WOULD YOU LET YOUR UNDERAGED KID WATCH ANNE’S RACY NUMBER? ME? I WON’T. AND I’M NOT EVEN THAT CONSERVATIVE. INISIP NA LANG SANA NI ANNE NA PANG-UMAGA ANG ASAP. BUTI SANA KUNG PANG-GGV.  OH WELL, LET’S ALL MOVE ON. ANNE, LEARN FROM IT AND SUFFER THE CONSEQUENCES KUNG MERON MAN. IF NONE, GOOD FOR HER. HENDEVAH?

Leave a Reply

Your email address will not be published.